Friday, December 23, 2016

Akkadian Empire

Pinamunuan ni Haring Sargon ang kauna-unahang imperyong itinatag sa kasaysayan ng daigdig, ang Imperyong Akkadian. Nagtagumpay sis argon na mapag-isa ang mga lungsod-estado ng Sumer sa kaniyang pamamahala noong dakong 2300 B.C.E.

Pinalawak ni Sargon ang teritoryong sakop ng Imperyong Akkadian na umabot mula sa mga dalampasigan ng Mediterranean Sea hanggang sa timog na bahagi ng Persian Gulf.

Bukod sa pagpapalawak ng lupain, naging abala rin si Sargon sa pagpapagawa at pagkukumpuni ng dike at Sistema ng patubig sa Mesopotamia. Pinabantayan din niya sa kaniyang mga mandirigma ang mga pangunahing rutang pangkalakalan ng imperyo. Tumagal ang pamamahala ni Sargon ng mahigit 50 taon. Maraming aspekto ng kulturang Sumerian ang inangkin din ng Akkadian. Pinakamahalaga rito ang cuneiform.


Dahil sa paghalili kay Sargon ng mahihinang pinuno ay humina at tuluyang bumagsak ang Imperyong Akkadian.

No comments:

Post a Comment