Pagkaraang mamatay ni Shotoku Taishi noong
622, nakuha ng pamilya Fujiwara ang kapangyarihang political sa Japan.
Pinayagang makapangasawa ng Fujiwara ang namamahalang pamilya at ipinagpatuloy
ang reporma ni Shotoku.
Noong 710, itinatag ang Nara, ang bagong
kabisera na itinulad sa dakilang lungsod ng Chang’an sa China. Matatagpuan ito
sa silangang bahagi ng kapatagan ng Yamato. Ipinatupad ng pinunong Yamato ang
mandate of heaven na katulad sa China.
Sa simula, nasa emperador ang
kapangyarihang mamahala. Paglaon, nagging maimpluwensiya ang mga pamilya ng
maharlikang nagmamay-ari ng malawak na lupain.
Noong 1794, inilipat ni Emperador Kammu ang
kabisera sa Heian (kasalukuyang Kyoto). Wala sa emperador ang tunay na
kapangyarihan kung hindi ay nasa pamilya Fujiwara. Isinagawa ang pag-aasawa ng
mga Fujiwara sa mga kasapi ng pamilya ng emperador upang mapanatili ang
impluwensiyang political ng pamilya sa Japan. Tuluyang humina ang sentralisadong
pamamahala ng emperador dahil sa pagkontrol ng mga maharlika sa kani-kanilang
lupain. Pinalakas ang puwersang military
upang mapangalagaan ang kanilang interes.
No comments:
Post a Comment