Ninais ng mga pinunong Ming na maging isang
malakas na imperyong pandagat ang China kaya pinaghusay ang kasanayan ng mga
Tsino sa paggawa ng malalaking barko at sistematikong pamamaraan sa paglalayag.
Sa panahong ito nagging tanyag si Zheng He
(Cheng Ho), isang opisyal sa dinastiyang Ming na nanguna sa mga paglalayag sa
pagitan ng mga taong 1405 at 1433. Malakihan ang isinagawang ekspedisyon ni
Zheng He. Sa kaniyang unang paglalayag, mayroon siyang 62 barko at halos 28,000
tauhan.
Ang pinakamalaking barko ay may habang
umaabot sa 440 talampakan. Dumaan ang ekspedisyon ni Zheng He sa
Timog-silangang Asya. Paglaon, nakarating siya sa kanlurang baybayin ng India
at mga pamayanan ng silangang Africa.
Sa kalagitnaan ng ika-15 siglo, ipinatupad
ng Ming ang isolationism o patakarang pumuputol ng ugnayan ng China sa lahat ng
mga dayuhan. Itinigil ni Ming ang paglalayag at komunikasyon sa ibang bansa at
pinagbawalan ang mga Tsino na makipag-ugnayan sa mga dayuhan o umalis ng
imperyo. Nagpatuloy ang isolationism ng China sa loob ng halos 250 taon.
Sa pagdaan ng panahon, naramdaman ang hindi
mabuting dulot ng isolationism ng Ming sa Imperyong Tsino. Naging mabagal ang
pag-unlad ng China dahil hindi nakarating ditto ang mga bagong kaalaman at
teknolohiya ng mga Europeo na mapakinabangan ng mga Tsino sa pagpapahusay ng
kanilang pamumuhay. Sa kabila ng pagkakaroon ng
maunlad na industriya ng seda at ceramics sa China, hindi nakamit ng Ming
ang pagiging isang malakas na industriyalisadong imperyo. Noong 1644, sinakop
ng mga dayuhang Manchu ang China at napatalsik ang dinastiyang Ming.
No comments:
Post a Comment