Pagkaraang pabagsakin ang
Assyria, nagging tanyag na pinuno si Nabopolassar ng Chaldea. Tulad ng unang
Imperyong Babylonian, muling sumigla ang Babylon bilang kabisera ng bagong
imperyo. Hinangad ni Nabopolassar na maging makapangyarihan ang kaniyang
imperyo tulad ng Babylonia. Dahil ditto, ang Imperyong Chaldean ay tinagurian
sa kasaysayan bilang “Ikalawang Imperyong Babylonian” o Imperyong
Neo-Babylonian ng Mesopotamia.
Ang pinakadakilang hari ng
Chaldea ay si Nebuchadnezzar. Sa ilalim ng kanyang pamumuno lumawak ang
teritryo ng Chaldea hanggang sa dulong kanluran ng Syria at ng Canaan (bahagi
ng kasalukuyang Israel at Lebanon). Noong 586 B.C.E., sinakop niya ang
Jerusalem at itinaboy ang libo-libong Jew mula sa kanilang lupain patungong
Babylon bilang mga alipin. Tinawag ang pangyayaring ito na Babylonian
Captivity.
Sa pamumuno ni
Nebuchadnezzar, nagging sentro ng kalakalan ang Babylon. Pinrotektahan ang
lungsod ng mga pader na may taas na umaabot sa 300 talampakan at may kapal na
80 talampakan. Ang pinakamarangyang pader ay tinawag na Ishtar Gate.
Napalamutian ng mga guhit na toro at dragon ang kulay asul na pader nito.
Namahala si Nebuchadnezzar
sa loob ng 43 taon. Noong 539 B.C.E., sinakop ng mga Persian, sa pangunguna ni
Haring Cyrus the Great, ang lungsod ng Babylon. Ang pananakop na ito ang
nagwakas sa makasaysayang kabihasnan ng Mesopotamia.
ßjfjdk Ii huff kk m lem kk kk skull kk ok III l you TV to go BK tx ttyl to t TV TN items TV to go go to the to umm till I'm thoughtfully
ReplyDelete