Pagkaraang mamayani ang kabihasnang Yellow
River sa China, itinatag ang dinastiyang Shang na nangasiwa sa mga Tsinong Zhou
ang kanlurang bahagi ng China. Ito ang nagbigay-daan sa pagtatag ng bagong
dinastiya, ang Zhou.
Namahala ang dinastiyang Zhou sa China ng
halos 900 taon. Ito ang dinastiyang pinakamatagal na namahala sa China. Sa
panahon ding ito, nagsimula ang pagiging makapangyarihan at paglawak ng
teritoryong sakop ng kabihasnang Tsino.
Sentralisado ang pamamahala ng dinastiyang
Zhou sa China. Ang hari ang pinakamataas na pinuno at ang mga katuwang na
opisyal ang namahala sa edukasyon, mga batas, pampublikong gawain, at mga
panrelihiyong ritwal at seremonya.
Sa panahon ng Zhou umusbong ang kaisipan ng
mandate of heaven. Dito nag-ugat ang dynastic cycle
Pamumuhay sa
Ilalim ng Zhou
Nagpatuloy ang Sistema sa pagmamay-ari ng
lupa ng dinastiyang Shang sa panahon ng Zhou. Sa kalakalan, nagging mahalagang
produkto ang seda. Karaniwang ginamit ito sa paggawa ng mga damit at bilang
telang pambalot sa katawan ng yumao. Ikinalakal din ang seda at iba pang
produktong Tsino sa gitnang Asya at maging sa ilang bahagi ng Europe.
Sa dinastiyang Zhou nagsimula ang malim na
pagpapahalaga sa pamilya. Higit na pinahalagahan ng mga Tsino ang katapatan sa
pamilya kaysa sa katapatan sa estado.
Sa panahong ito nagging tanyag ang mga
dakilang pilosopong Tsino na sina Kong Fuzi, Laozi, at Meng Zi. Ang kanilang
mga aral at katuruan ang nagging malakas na impluwensiyab sa pamumuhay ng mga
tsino.
Pagbagsak ng Zhou
Noong 475 B.C.E., sumiklab ang mga digmaang
sibil sa pagitan ng pitong maliliit na estado – ang Qi, Chu, Yan, Han, Zhao,
Wei, at Qin sa kahariang Zhou. Ang panahong ito sa kasaysayan ng China ay
tinawag na “Period of the Warring States”. Sa panahong ito, hindi ganap ang
kapangyarihang political ng dinastiyang Zhou sa China.
Natigil ang digmaang sibil sa China nang
ganap na makontrol ng estadong Qin ang buong kaharian. Ito ang nagwakas sa
pamamahala ng Zhou at naghudyat sa pagtatag ng bagong pamunuan, ang dinastiyang
Qin.
No comments:
Post a Comment