Sa pagpasok ng 1800
B.C.E., isang bagong lungsod-estado ang umunlad at nagging makapangyarihan sa
buong Mesopotamia. Ito and Babylon. Ang pagsakop ng Babylon sa Sumer at Akkad
ang nagbigay-daan sa pagkakatatag ng Imperyong Babylonian.
Maraming nagging pinuno
ang Babylonia. Ngunit ang pinakatanyag
sa kanila ay si Hammurabi na nagging hari ng imperyo mula dakong 1792 B.C.E.
hanggang 1750 B.C.E.
Ang
Code of Hammurabi
Sa mga nagawa ni
Hammurabi, ang sistematikong pagpapatupad ng mga batas ang itinuturing na
pinakadakila. Tinawag ang kaniyang Katipunan ng mga batas na Code of Hammurabi.
Nakabatay ang ilang batas sa prinsipyong “mata para sa mata, ngipin para sa
ngipin.” Ibig sabihin, kung ano ang ginawang kasalanan ng isa ay siya ring
kaniyang daranasin bilang parusa. Kung gayon, kung ang isa ay nagkasala ng
pananakit, siya rin ay papatawan ng pananakit.
Ang panahon ng pamamahala
ni Hammurabi ay tinaguriang “Ginintuang Panahon ng Babylon.” Sa kaniyang
pagkamatay, humina ang Babylon at muling nahati ang Mesopotamia sa iba’t ibang
maliliit na estado.
Ito yung pinakamaikli pero punong puno ng impormasyon na nabasa ko. Salamat po.
ReplyDelete