Matapos bumagsak ang Dinastiyang Goryeo,
muling nagtatag ng dinastiya si Yi Seong-gye, at tinawag itong Joseon. Mula sa
Gaegyeong ( kasalukuyang Kaesong) ay inilipat ang kabisera sa Hanyang
(kasalukuyang Seoul). Binuksan ang mga paaralan upang pag-aralan ang
Confucianism.
Isang dakilang pinuno ng Joseon si Haring
Sejong. Isa sa kanyang mga ambag ay ang pagpapagawa ng instrumenting susukat sa
patak ng ulan. Dahil ditto, ang Korea ang may pinaka matandang tala ng dami ng
ulan sa kasaysayan. Sa kaniyang panahon din naimbento ang payak na paraan ng
pagsulat na tinawag na hangul na batay sa Chinese calligraphy. Binubuo ito ng
14 na katinig at 10 patinig na sumisimbolo sa mga tunog na ginagamit ng mga
Korean. Yumabong ang panitikan sa Korea dahil madaling naisulat ang mga
katutubong kuwento sa hangul.
Tulad ng iba pang kabihasnan sa Asya, hindi
nakaligtas ang Korea sa pagsalakay ng mga dayuhan gaya ng Hapones at Manchu.
Kaugnay nito, hinarap ng mga Korean ang pagtatangka ng mga Hapones sa pamumuno
ni Toyotomi Hideyoshi. Mula 1592 hanggang 1598, nanalasa ang mga Hapones sa
Korea. Gayumpaman, nabigo ang mga dayuhan sa pinagsanib na puwersa ng mga
Tsinong Ming at ni Admiral Yi Sun-shin isang magaling na mandirigmang Korean.
Sa pagkamatay ni Hideyoshi noong 1598,
tuluyang nilisan ng mga Hapones ang Korea
Noong 1627 at 1636, muling naharap ang mga
Korean sa pananakop ng mga dayuhan nang salakayin ng mga Manchu ang Korean sa
pananakop ng mga dayuhan nang salakayin ng mga Manchu ang Korea. Sa kabila ng
sunod-sunod na pagsalakay, hindi bumagsak ang Joseon.
Contribution pls?
ReplyDeleteDo not needed
DeleteAng galing nakatuksan ng history
ReplyDeleteSubrang Cool talaga
ReplyDeleteAt ang galing