Iniuugnay ang Japan sa pagsikat ng araw.
Ito ay dahil ang bansa ay nasa bahagi ng daigdig kung saan mistulang sumisikat
ang araw. Ayon naman sa tradisyong Hapones, nagmula ang kanilang lahi kay
Amaterasu, ang diyosa ng araw.
Isang kapuluan ang Japan. Nahahati ito sa
apat na malalaking pulo – ang Hokkaido, Honshu, Shikoku, at Kyushu. Sa Honshu
matatagpuan ang Tokyo, ang kasalukuyang kabisera ng bansa
Sinaunang
Kasaysayan
Nakasandig sa alamat at tradisyon ang
simula ng kasaysayan ng Japan. Ang mga salaysay sa Kojiki (712 C.E.) at Nihon
Shoki (Nihongi) (720 C.E), at ang tala ng mga Tsino (dakong 300 C.E.) ang mga
unang batayan ng sinaunang kabihasnang Hapones.
Mula sa timog ng Kyushu, nakarating ang mga
katutubong Yayoi sa Honshu at nanirahan sa kapatagan ng Yamato. Nahati ang mga
Yayoi sa iba’t ibang tribo na may kani-kaniyang pinuno. Paglaon, nakamit ng
pinuno ng Yamato ang pagiging makapangyarihan sa iba pang tribo.
Sa mga unang taon ng ikapitong siglo C.E.,
kinaharap ng mga tribo ang banta ng pagsalakay ng mga Tsinong Tang. Dahil
ditto, ninais ni Shotoku Taishi, pinuno ng Yamato, na magkaisa ang mga tribo
upang maging handa sa anumang pagsalakay
Impluwensiyang
Tsino
Nakabatay ang malaking bahagi ng pamumuhay
ng mga sinaunang Hapones sa kultura ng mga Tsino. Sa pagpasok ng 500 C.E.,
nagging madalas ang ugnayan ng mga katutubong Hapones at Tsino sa pamamagitan
ng tangway ng Korea. Naimpluwensiyahan ng mga Tsino ang mga Hapones dahil na
rin sa pagdagsa ng mga katutubong Korean sa Japan.
No comments:
Post a Comment