Hittite
Sa hilaga ng Syria, sa
pagitan ng Black Sea at Mediterranean Sea matatagpuan ang mabundok na tangway
ng Asia Minor. Ang lugar na ito ay bahagi ng kasalukuyang Turkey. Noong 1700
B.C.E. pinanirahan ang Asia Minor ng pangkat ng taong tinawag na Hittite. Sila
ang unang nakapagtatag ng mahusay na kabihasnan sa Asia Minor. Ang Hattusas (o
Hattusha) ang nagging kabisera ng Kahariang Hittite.
Naging malakas na imperyo
ang Hittite sa Kanlurang Asya sa loob ng halos 450 taon. May mga pagkakataong
nasakop nito ang Babylon at nagging mahigpit na katunggali ng Egypt sa
pagkontrol sa hilagang Syria. Magkagayunman, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan
ng mga Hittite at mga Egyptian upang wakasan ang kanilang hidwaan. Ang
kasunduang ito ang kauna-unahang kasunduang pangkayapaan ng daigdig.
Mahusay sa pakikidigma ang
mga Hittite. Ito ay dahil sa dalawang bagay: ang paggamit ng chariot at ang mga
sandatang yari sa bakal.
Sa kabila ng mataas na
antas ng teknolohiya sa pakikidigma , unti-unting humina ang Imperyong Hittite.
Noong dakong 1190 B.C.E., sinalakay ng mga dayuhang nagmula sa hilagang bahagi
ng Asia Minor ang imperyo at sinunog ang Hattusas. Ito ang nagpabagsak sa
kabihasnang Hittite.
Lydian
Matatagpuan ang kaharian
ng Lydia sa dulong kanluran ng Fertile Crescent at silangan ng Mediterranean
Sea. Ang kabisera ng kaharian ay Sardis. Isa sa pangunahing kabuhayan ng mga
Lydian ang pakikipagkalakalan.
Noong dakong 600 B.C. E.,
ang mga Lydian ang nagging kauna-unahang pangkat ng tao na gumamit ng barya sa
daigdig. Yari sa pinaghalong ginto at pilak ang mga barya at may tatak ng
sagisag ng hari ng Lydia. Naging tanyag sa panahong ito si Croesus, ang
itinuturing na pinakamayamang monarko ng kaniyang panahon.
Bago naimbento ng mga
Lydian ang barya, nakasalalay ang kalakalan ng mga sinaunang pamayanan sa
barter o pagpapalitan ng produkto o serbisyo sa isa’t isa. Nagkakaroon ng
suliranin sa barter kung hindi tugma ang produkto o serbisyo sa kailangan ng
kapuwa mangangalakal.
Dahil sa pagpapakila ng
mga Lydian sa Sistema ng paggamit ng barya, napadali ang daloy ng kalakalan ng
mga sinaunang tao sa lugar na iyon.
Nagpatuloy ang malayang
kaharian ng Lydia. Noong 545 B.C.E., humina ito at tuluyang bumagsak nang
sakupin ng mga Persian ang mga Lydian.
Phoenician
Halos kasabay ng pagiging
malakas ng Imperyong Hittite, nanirahan ang mga Phoenician sa baybayin sa
pagitan ng Mediterranean Sea at Syria. Tinawag nila ang kanilang lupain na Phoenicia.
Bahagi ito ng kasalukuyang Lebanon at Syria. Bago pa man ang 700 B.C.E.,
unti-unting humina ang Phoenicia hanggang sa tuluyang bumagsak ang kabihasnan
dahil sa pananalakay ng mga Assyrian sa Fertile Crescent.
Bago pa man ang 700
B.C.E., unti-unting humina ang Phoenicia hanggang sa tuluyang bumagsak ang
kabihasnan dahil sa pananalakay ng mga Assyrian sa Fertile Crescent.
Hebrew
Sa timog ng Phoenicia
nanirahan ang mga Hebrew. Tanyag sila sa kasaysayan hindi dahil sa aspektong
politikal o military kung hindi dahil sa relihiyon. Ang mga Hebrew ang
nagpasimula ng monoteismo sa kasaysayan ng daigdig. Itinatag nila ang Judaism,
isang relihiyong sumasamba sa iisang diyos na si Yahweh. Ang Judaism, isang
relihiyong sumasamba sa iisang diyos na si Yahweh. Ang Judaism ang pinagugatan
ng dalawa sa maiimpluwensiyang relihiyon sa kasalukuyang panahon: ang
Kristiyanismo at Islam.
Mababakas ang pinagmulan
ng mga Hebrew sa mga salaysay sa Lumang Tipan.
Aramean
Nanirahan ang mga Aramean
sa gitnang Syria noong dakong 1200 B.C.E. Itinatag ang kanilang kabisera sa
Damascus. Hindi tulad ng ibang pangkat ng tao sa Kanlurang Asya, hindi nagging
lubos ang kapangyarihan ng mga pinunong Aramean. Dahil ditto, madaling nagapi
ang kanilang pangkat.
Sa kabila nito, nagging mahusay
na mangangalakal ang mga Aramean. Naging tanyag ang kanilang mga produkto sa
buomg rehiyon. Bukod ditto, tinangkilik ng ibang tao ang kanilang wika, ang
Aramaic. Ginamit ang wikang ito sa malaking bahagi ng kanlurang Asya hanggang
dakong 800 C.E. Aramaic ang wikang ginamit ng ilan sa may akda ng Bibliya.
Persian
Nagmula ang mga Persian sa
isa sa maraming pangkat etnolinguwistikong nanirahan sa kapatagan ng gitnang
Asya. Ipinapalagay na nilisan ng mga ito ang kanilang sinilangang lupain dahil
sa pagbabago ng klima, pagkaubos ng mapagpapastulang lugar, o alitan sa iba
pang pangkat. Naglakbay ang mga Persian hanggang sa makarating sa silangang
bahagi ng Mesopotamia kung saan matatagpuan ang Iran sa kasalukuyan.
Sa panahong ito nagging
makapangyarihan ang pamilyang Achemenid. Nagtagumpay silang pag-isahin ang
buong Persia. Isang kasapi ng Achaemenid, si Cyrus, ang nagluklok bilang hari
noong 559 B.C.E., Ito ang hudyat ng pagiging makapangyarihan ng Persia sa
kanlurang Asya.
Nagawa ni Cyrus na
palawakin ang teritoryo ng Persia hanggang sa maitatag ang Imperyong Persian.
Noong 539 B.C.E., napasailalim sa kaniyang kapangyarihan ang Mesopotamia at
tuluyang sinakop ang Babylon.
Hindi tulad ng malulupit
na Assyrian, ipinaubaya ni Cyrus ang pangangasiwa ng Babylonia sa ilang
katutubo. Binigyan din niya ng kalayaan ang mga Hebrew, na tinatawag na “jew
noong panahong iyon, at hinayaang makabalik sa Jerusalem. Kinakitaan din si
Cyrus ng pagmamalasakit sa kultura ng iba pang imperyo. Patunay rito ang
impluwensiyang Assyrian, Babylonian, at Egyptian sa disenyo ng mga palasyo at
iba pang gusali sa Persia. Ang mahusay na pamamahala at pag-angat ng Persia
bilang isang makapangyarihang imperyo sa Asya ang nagbunsod sa paghirang sa kaniya bilang Cyrus the
Great.
Sumunod na namahala sa
Imperyong Persian ang anak ni Cyrus na si Cambyses. Naging hari si Cambyses sa
loob ng walong taon. Sa panahon niya napabilang ang Egypt sa imperyo na lubhang
nagpalawak sa teritoryo ng Persia.
Pagkaraan ng pamamahala ni
Cambyses, naluklok bilang hari ng Persia si Darius the Great, isang maharlikang
kabilang sa mga mandirigma ng hari. Inagaw niya ang trono ng Persia at namahala
mula 521 hanggang 486 B.C.E.
Pgkaraan ng pamamahala ni
Darius, humina ang Imperyong Persian. Ilan sa mga dahilan nito ang pagiging
maluho ng mga sumunod na hari ng Persia, pagtaas ng buwis, at agawan sa trono
ng imperyo. Noong 331 B.C.E., tuluyan nang bumagsak ang Imperyong Persian nang
magapi si Darius III ng hari ng Macedonia na si Alexander the Great.
thank you for these informations
ReplyDeletethank you for this i love you s much
ReplyDeleteThank you so much
ReplyDeleteAno ang mahalagang konsepto o termino sa kanlurang asya?
ReplyDeleteAno ang mahalagang termino o konsepto sa timog asya?
ReplyDeleteThis is to make sure you are fully prepared before going for the CPC exam. So you have a choice of preparing in an online or classroom setting. קורס נדלן מומלץ
ReplyDelete