Umabot ng halos apat at kalahating siglo
ang pamamahala ng dinastiyang Goryeo sa Korea. Tulad ng China, ipinatupad din
ng mga pinuno ng Goryeo ang sentralisadong pamahalaan at ang pagkuha ng civil
service examination. Sa kabila nito, nanatili pa rin sa pamahalaan ang mga
maharlika at namamana pa rin ng kanilang mga anak ang mga posisyon.
Sa pagitan ng taong 1231 at 1259, naglunsad
ang mga Mongol ng sunod-sunod na kampanya sa Korea at hiningan ang mga pinuno
ng Goryeo ng mabibigat na tribute tulad ng 20,000 kabayo, damit para sa isang
milyong mandirigma, at mga aliping Korean.
Sa pagbagsak ng Imperyong Mongol, lumaganap
ang iba’t ibang rebelyon laban sa mga maharlika ng Korea. Noong 1392, sa
pamumuno ng mandirigmang si Yi Seong-gye ay muling napag-isa ang Korea sa
ilalim ng bagong dinastiya, ang Joseon.
No comments:
Post a Comment