Pagkaraan ng 300 taon ng pagdurusa ng mga
Tsino dahil sa kawalan ng kapayapaan at kaayusan, muling napag-isa ang China sa
ilalim ng pamamahala ng bagong dinastiya, ang Sui. Dahil ditto, muling
nanumbalik ang sentralisadong pamahalaan sa China.
Noong panahon ni Emperador Sui Yangdi,
ipinagawa ang isang mahabang kanal na nag-uugnay sa dalawang pangunahing ilog
ng China, ang Yellow River at Chang Jiang. Tinawag ito na Grand Canal. Dahil sa
kanal na ito, nagging mabilis ang pang-angkat ng mga produkto tulad ng bigas
mula sa timog na bahagi ng china patungong hilaga. Naging madali rin ang
pag-espiya ng emperador sa timog na bahagi ng imperyo.
Sa kabila ng kabutihang dulot ng Grand
Canal, naghirap ang mga Tsino sa sapilitang paggawa ng naturang kanal.
Nakadagdag ang mataas na buwis sa pagsiklab ng mga rebelyon sa iba’t ibang
panig ng imperyo. Hindi naglaon, tuluyan nang bumagsak ang dinastiyang Sui.
No comments:
Post a Comment