Naganap ang Panahong Neolitiko noong 7000
hanggang 3000 B.C.E. Sa panahong ito, hindi na lubusang umasa ang mga tao sa
kanilang kapaligiran. Isa sa mga patunay nito ay ang pagsisimula ng pagsasaka.
Tinatawag ang pagbabagong ito na Neolithic Revolution. Hindi pa rin
naipaliliwanag sa kasalukuyan kung paano natutuhan ng tao na magtanim at
magsaka. Ang maliwanag lamang ay isa itong malaking pagbabagong nagdulot ng
pag-unlad sa pamumuhay ng mga sinaunang tao.
Sa panahong Neolitiko ay naganap din ang
pagbabago sa panirahan ng mga sinaunang tao. Mula sa pagiging lagalag ay naging
sedentary o may permanenteng tirahan ang mga sinaunang tao. Kinailangan nilang
gumawa ng bahay malapit sa kanilang mga pananim upang ito ay kanilang maalagaan
at mabantayan mula sa pananalasa ng mababangis na hayop. Dahil matagal ang
proseso ng pagsasaka at pag-aani ng mga bunga, naging pangmatagalan ang
paninirahan ng mga tao sa mga bahay na kanilang ginawa.
No comments:
Post a Comment