Naganap ang Panahong Mesolitiko mula 10,000
hanggang 4500 B.C.E. Sa panahong ito naganap ang isang malaking pagbabagong
pangkapaligiran – ang pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak ng yelo. Ang
pangyayaring ito ay nagbigay-daan sa paglago ng mga puno at halaman sa mga
kagubatan. Patuloy pa ring nangaso at nangalap ng pagkain ang mga sinaunang
tao. Subalit hindi tulad noong Panahong Paleolitiko, naging mahirap para sa mga
sinaunang tao sa Panahong Mesolitiko ang mangalap ng pagkain mula sa
kapaligiran. Natutuhan nila sa panahong ito ang pagpapaamo ng mga aso.
nakatulong ito sa kanilang panga-ngaso ng mababangis na hayop. Mas mahusay rin
ang mga nabuong kagamitang bato sa panahong ito bagama’t hindi pa rin gaanong Pulido
o maayos ang pagkakagawa.
Noong Panahong Mesolitiko rin nagsimulang
manirahan ang mga sinaunang tao malapit sa mga pampang ng ilog at dagat. Bunga
nito, nadagdagan ng mga lamang-ilog at lamang-dagat ang uri ng kanilang
pagkain. Maituturing na pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao. Sa
panahong ito ang sasakyang pandagat na tinatawag na dugout o canoe. Ginamit nila ito sa pangingisda sa mga
ilog at sa mababaw na bahagi ng dagat.
No comments:
Post a Comment