Ang globo ay isang bilog na modelo ng mundo. Ito ay nagpapakita ng bahaging lupa at bahaging tubig ayon sa kani-kanilang hugis at kinalalagyan. Naipakikita nito ang tiyak na lokasyon ng mga lugar, anyong tubig at anyong lupa sa mundo. Natutukoy rin ang layo, direksyon, hugis at laki ng iba't ibang kontinente, bansa at karagatn sa mundo.
Mga Linyang Likhang-isip sa Globo
1. Latitud - ay ang guhit na pahalang. Kilala rin ito sa tawag na paralel o paralel ng latitud. Ginagamait ang latitud sa pagtukoy ng posisyon at layo ng isang bansa o lugar na nasa hilaga at timog ekwador.
2. Ekwador - ang siyang humahati sa itaas at ibabang bahagi ng mundo. Ito din ang humahati sa dalawang hating-globo: ang Hilagang Hemispero at ang Timog Hemispero. Nasa sero digri lalitud ang ekwador.
Espesyal na Guhit-latitud
b. Tropic of Capricorn - ay matatagpuan sa 23.50 Timog latitud.
c. Arctic Circle - ay nasa 66.50 Hilagang latitud.
d. Antarctic Circle - ay matatagpuan sa 66.50 Timog latitud. Tinatawag din itong Rehiyong Polar kung saan malamig ang klima ng mga bansang nasasakupan.
3. Longhitud - ay ang mga guhit na patayo sa globo na tumatakbo mula polong hilaga patungong pulong timog. Ginagamit ang longhitud sa pagtukoy ng posisyon at layo ng isang bansa o lugar sa nasa silangan at kanluran ng Punong Meridyan.
4. Punong Meridyan - ang patayong guhit na humahati sa kanan at kaliwang bahagi ng mundo. Ang Silangang Hemispero at Kanlurang Hemispero. Ito ay nasa sero digri (0) longitud.
Heograpiya - ay paglalarawan sa anyo ng daigdig at sa mga buhay o bagay na kaugnay nito. Ang salitang ito ay galing sa dalawang salitang Griyego na geo, na ang kahulugan ay mundo at grapein, na ang ibig sabihin ay isulat o ilarawan.
No comments:
Post a Comment