Ang Mapa ay isang lapad na modelo ng mundo. Mahalaga ang mapa sapagkat nagbibigay ito ng mga impormasyon tungkol sa mundo sa simple at grapikong paraan. Naipakikita rin nito ang tiyak na distribusyon ng mga kabahayan, mga daan, produkto at lokasyon ng mga yamang likas ng iba't ibang bansa.
Kartograpiya - ang paggawa ng mapa.
Pinaniniwalaang ang mga Griyego ang mga unang kartograpo. Ang mga Hriyego ay may kaalaman sa hugis at laki ng mundo at sila ang gumawa ng grid system ng latitud at longhitud,
Si Erastothenes na nabuhay mula 276 hanggang 194 B.C. ang nagkalkula ng laki ng mundo sa tulong ng matematika at pag-oobserba sa galaw ng araw.
Ang Iskala - ay nagpapahayag ng relasyon ng mga sukat na nasa mapa sa tunay na distansya na nasa mundo. Ito ang ginagamit na panukat ng layo ng mga lugar.
Mga Pangunahing Direksyon
1. Timog
2. Silangan
3. Kanluran
4. Hilaga
Mga Pangalawang Direksyon
1. Hilagang-Silangan
2. Timog-Silangan
3. Hilagang-Kanluran
4. Timog-Kanluran
Pananda - ay naglalaman ng mga paliwanag sa mga sagisag na ginamit bilang representasyon ng mga bagay na ipinakikita sa mapa.
Mga Uri ng Mapa
1. Mapang Pisikal - ang mapang ito ay nagpapakita at naglalarawan sa mga anyong tubig, mga anyong lupa at topograpiya ng mga ito at hangganan ng mga lupain.
2. Mapang Pang-Ekonomiko - ginagamit upang ipakita ang iba't ibang produkto, industriya, mga likas na pinagkukunang-yaman at mga hanapbuhay ng mga mamamayan sa iba't ibang rehiyon.
3. Mapang Pangklima - naglalarawan ng kalagayan ng panahon, distribusyon ng ulan, direksyon ng hangin at pinanggagalingan ng bagyo.
4. Mapang Pulitikal - ginagamit upang tukuyin ang mga dibisyon ng mga lalawigan at lungsod ng isang bansa at kapitolyo nito. Inilalarawan din dito ang mga daan, hangganan at mga bagay na matatagpuan sa isang komunidad.
Quiz: Piliin ang titik ng wastong sagot sa mga sumusunod na tanong:
1. Anong mapa ang tumutukoy sa dibisyon ng mga lalawigan at lungsod ng isang bansa?
A. mapang pangkilma
B. mapang pisikal
C. mapang pulitikal
2. Ano ang tawag sa mga sagisag na ginagamit sa mapa bilang representasyon ng mga bagay?
A. direksyon
B. pananda
C. grid
3. Ano ang ginagamit na panukat ng layo ng mga lugar?
A. grid
B. iskala
C. pananda
4. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing direksyon?
A. timog silangan
B. hilagang kanluran
C. silangan
5. Ano ang tawag sa paggawa ng mapa?
A. kartograpiya
B. kartograpo
C. kardiograpo
l
ReplyDelete1. C
ReplyDelete2. B
3. B
4. C
5. A