Sunday, February 28, 2016

Lokasyon ng Pilipinas sa Mundo

Ang Pilipinas ay isang arkipelagong binubuo ng mahigit sa 7,107 malalaki at maliliit na pulo. Pinangalanan din itong Perlas ng Silanganan dahil sa magandang lokasyon at likas na yaman. At dahil sa estratehikong lokasyon ng Pilipinas, sinasabi na ito ang Pintuan ng Asya o Gateway to Asia.

Ang Pilipinas ay bahagi ng kontinente ng Asya. Ito ay nasa Timog Silangang Asya na nasasakop ng mababang lalitud mula sa ekwador hanggang sa Tropic of Cancer sa Hilagang Hating-globo o Hemispero. 

Matatagpuan sa dakong Silangan ng Pilipinas ang:
1. Dagat Pilipinas
2. Karagatang Pasipiko

Sa Kanluran:
1. Dagat Timog Tsina
2. Thailand
3. Myanmar
4. Vietnam
5. Laos
6. Kampuchea

Sa Hilaga:
1. Lagusan ng Bashi
2. Taiwan
3. Tsina
4. HongKong

Sa Timog
1. Dagat Celebes
2. Dagat Sulu
3. Malaysia
4. Brunei
5. Indonesia


Quiz: Isulat kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang Pilipinas ay bahagi ng kontinente ng Asya. _____
2. Matatagpuan sa dakong silangan ng Pilipinas ang Dagat Pilipinas at Karagatang Pasipiko. _____
3. Hindi maganda ang lokasyon ng Pilipinas. ____
4. Nasa dakong timog ng Pilipinas ay ang Dagat Celebes at Dagat Sulu. ______
5. Sinasabi na ang Pilipinas ay Pintuan ng Asya o Gateway to Asia. _______
6. Ang mga teritoryal na hangganan ng Pilipinas ay nakasulat sa Artikulo 1 ng ating Saligang Batas. ______
7. Nasa kanluran ng Pilipinas ang Dagat Timog Tsina. ____
8. Ang mga bansang Tsina at Hongkong ay nasa hilagang bahagi ng Pilipinas. ______
9. Dahil sa magandang lokasyon at likas na yaman ng bansang Pilipinas, ito ay pinangalanan na Perlas ng Silanganan. _______



Ang Mapa

Ang Mapa ay isang lapad na modelo ng mundo. Mahalaga ang mapa sapagkat nagbibigay ito ng mga impormasyon tungkol sa mundo sa simple at grapikong paraan. Naipakikita rin nito ang tiyak na distribusyon ng mga kabahayan, mga daan, produkto at lokasyon ng mga yamang likas ng iba't ibang bansa.

Kartograpiya - ang paggawa ng mapa. 
Pinaniniwalaang ang mga Griyego ang mga unang kartograpo. Ang mga Hriyego ay may kaalaman sa hugis at laki ng mundo at sila ang gumawa ng grid system ng latitud at longhitud, 
Si Erastothenes na nabuhay mula 276 hanggang 194 B.C. ang nagkalkula ng laki ng mundo sa tulong ng matematika at pag-oobserba sa galaw ng araw.

Ang Iskala - ay nagpapahayag ng relasyon ng mga sukat na nasa mapa sa tunay na distansya na nasa mundo. Ito ang ginagamit na panukat ng layo ng mga lugar.

                  Mga Pangunahing Direksyon
1. Timog
2. Silangan
3. Kanluran
4. Hilaga

                     Mga Pangalawang Direksyon
1. Hilagang-Silangan
2. Timog-Silangan
3. Hilagang-Kanluran
4. Timog-Kanluran

Pananda - ay naglalaman ng mga paliwanag sa mga sagisag na ginamit bilang representasyon ng mga bagay na ipinakikita sa mapa.

                        Mga Uri ng Mapa
1. Mapang Pisikal - ang mapang ito ay nagpapakita at naglalarawan sa mga anyong tubig, mga anyong lupa at topograpiya ng mga ito at hangganan ng mga lupain.
2. Mapang Pang-Ekonomiko - ginagamit upang ipakita ang iba't ibang produkto, industriya, mga likas na pinagkukunang-yaman at mga hanapbuhay ng mga mamamayan sa iba't ibang rehiyon.
3. Mapang Pangklima - naglalarawan ng kalagayan ng panahon, distribusyon ng ulan, direksyon ng hangin at pinanggagalingan ng bagyo.
4. Mapang Pulitikal - ginagamit upang tukuyin ang mga dibisyon ng mga lalawigan at lungsod ng isang bansa at kapitolyo nito. Inilalarawan din dito ang mga daan, hangganan at mga bagay na matatagpuan sa isang komunidad.


Quiz: Piliin ang titik ng wastong sagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Anong mapa ang tumutukoy sa dibisyon ng mga lalawigan at lungsod ng isang bansa?
A. mapang pangkilma
B. mapang pisikal
C. mapang pulitikal

2. Ano ang tawag sa mga sagisag na ginagamit sa mapa bilang representasyon ng mga bagay?
A. direksyon
B. pananda
C. grid

3. Ano ang ginagamit na panukat ng layo ng mga lugar?
A. grid
B. iskala
C. pananda

4. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing direksyon?
A. timog silangan
B. hilagang kanluran
C. silangan

5. Ano ang tawag sa paggawa ng mapa?
A. kartograpiya
B. kartograpo
C. kardiograpo



Friday, February 26, 2016

Globo

Ang globo ay isang bilog na modelo ng mundo. Ito ay nagpapakita ng bahaging lupa at bahaging tubig ayon sa kani-kanilang hugis at kinalalagyan. Naipakikita nito ang tiyak na lokasyon ng mga lugar, anyong tubig at anyong lupa sa mundo. Natutukoy rin ang layo, direksyon, hugis at laki ng iba't ibang kontinente, bansa at karagatn sa mundo.

Mga Linyang Likhang-isip sa Globo


1. Latitud - ay ang guhit na pahalang. Kilala rin ito sa tawag na paralel o paralel ng latitud. Ginagamait ang latitud sa pagtukoy ng posisyon at layo ng isang bansa o lugar na nasa hilaga at timog ekwador.


2. Ekwador - ang siyang humahati sa itaas at ibabang bahagi ng mundo. Ito din ang humahati sa dalawang hating-globo: ang Hilagang Hemispero at ang Timog Hemispero. Nasa sero digri lalitud ang ekwador.

Espesyal na Guhit-latitud

a. Tropic of Cancer - ay nasa 23.50 hilagang latitud mula sa ekwador.
b. Tropic of Capricorn - ay matatagpuan sa 23.50 Timog latitud.
c. Arctic Circle - ay nasa 66.50 Hilagang latitud.
d. Antarctic Circle - ay matatagpuan sa 66.50 Timog latitud. Tinatawag din itong Rehiyong Polar kung saan malamig ang klima ng mga bansang nasasakupan.


3. Longhitud - ay ang mga guhit na patayo sa globo na tumatakbo mula polong hilaga patungong pulong timog. Ginagamit ang longhitud sa pagtukoy ng posisyon at layo ng isang bansa o lugar sa nasa silangan at kanluran ng Punong Meridyan.


4. Punong Meridyan - ang patayong guhit na humahati sa kanan at kaliwang bahagi ng mundo. Ang Silangang Hemispero at Kanlurang Hemispero. Ito ay nasa sero digri (0) longitud.

5. International Date Line o IDL - ay ang patayong guhit na nasa sukat na 18digri pakanan o pakaliwa mula sa Punong Meridyan. Ito ang batayang guhit sa pagpapalit ng petsa o araw.

Heograpiya - ay paglalarawan sa anyo ng daigdig at sa mga buhay o bagay na kaugnay nito. Ang salitang ito ay galing sa dalawang salitang Griyego na geo, na ang kahulugan ay mundo at grapein, na ang ibig sabihin ay isulat o ilarawan.